Nais kong makita
Ang kislap ng iyong mga mata.
Ako'y nangungulila
Sa iyong mga tawa.
Nakikinig ka ba
Sa aking pagsinta?
Nawa'y ako'y iyong magunita
Sa tuwing mabasa itong tula
Featured Post
Abrasion
Sometimes, an abrasion hurts the most. That thin film of skin scraped from the flesh. That stinging wound too shallow to trigger blood....
Sunday, July 31, 2016
Thursday, July 28, 2016
Pagka-inip at Kamatayan
Buhay.
Ano ang silbi ng buhay
Kung ang aking pagkatao'y
Binabalot ng dilim at ginaw?
Ang aking puso ay lumulutang
Sa walang hanggang kawalan.
Kawalan.
Walang laman ang aking kalooban.
Ako ay naglalakad patungo
Sa isang kinabukasang walang saysay.
Naglalakad. Naghihintay.
Sa kamatayan na magpapalaya
Sa aking nagliliyab ng pighati.
Ano ang silbi ng buhay
Kung ang aking pagkatao'y
Binabalot ng dilim at ginaw?
Ang aking puso ay lumulutang
Sa walang hanggang kawalan.
Kawalan.
Walang laman ang aking kalooban.
Ako ay naglalakad patungo
Sa isang kinabukasang walang saysay.
Naglalakad. Naghihintay.
Sa kamatayan na magpapalaya
Sa aking nagliliyab ng pighati.
Subscribe to:
Posts (Atom)