Minsan naisip ko,
Sana ang buhay ko parang computer—
May options ako kung gusto ko ba’ng
Shut Down, Hibernate, o Sleep muna.
—-
May mapagpipilian akong tools para pakulayin ito
Tulad ba no’ng sa Microsoft Word
O di kaya’y sa Paint—
Highlight word lang o Select Paint Bucket Tool,
Ayos na.
—-
Ayoko ng Ctrl Z, Undo Button, o Delete.
Ha! Wala na kasing thrill
At wala na ring pagmumunimuni
Kung natatama ko lahat ng mali.
—-
Ah basta, ang gusto ko lang talaga ngayon eh
Shut Down—
Manahimik. Pabayaan ang magulong mundo.
Maghintay sa kung sino man
Ang nakatakdang mag Start Up muli sa akin.
created: 01/24/2012
No comments:
Post a Comment