Mga kaibigan,
Nais ko lamang ibahagi itong mumunting karunungan:
Ang tawag po sa ating pre-Filipino writing ay Baybayin, hindi Alibata.
Alam kong ang karamihan ay tinatawag itong Alibata -- isa rin ako sa mga taong iyon noon. Hindi maiiwasan na talagang may mga maling impormasyon tayong masasagap. Pero pakiusap, ngayong alam nyo na, wag nyo nang gamitin ang nasabing misnomer. Lalong-lalo na pag nakikipag-usap kayo sa'kin. :)
Kapag nais pa ninyo ng dagdag na kaalaman, basahin ang sumusunod. Ito ay isang screenshot ng About page ng baybayin.com, ang website ng isang kilalang tagataguyod nga baybayin sa Amerika at pati na rin dito sa Pilipinas. Ang website na ito ay isang mainam na simula kung nais ninyong makipagsapalaran tungo sa importanteng bahagi ng ating kasaysayan at kultura. 🐥
No comments:
Post a Comment