Check out my shop :]

Featured Post

Abrasion

Sometimes, an abrasion hurts the most. That thin film of skin scraped from the flesh. That stinging wound too shallow to trigger blood....

Friday, March 18, 2016

Merong Alak at Pulutan

Kapag ika'y may dinaramdam,
Sakit sa ulo o ano man,
Wag na wag mong kalilimutan
Merong alak at pulutan.

Masakit ba ang iyong likod
Sa buong araw na pagkayod?
Kahit wala na atang natira sa sahod
Dre, sa isang bote ng alak, 
Tiyak mawawala iyong pagod.

Sa bawat hapdi at pighati
Na dulot ng pusong sawi,
Wag na wag mong ikukubli;
Pait na damdami'y sa alak ibahagi.

Kapag kailangan ng kasama
Sa pagharap ng mga problema,
O tila alak ay di sapat para sa pagluluksa,
Ako'y nandito, kaibigan; Wag mag-alala.

Bibili tayo ng alak sa tindahan
Gabi'y mapupuno nga tawanan at usapan
Haharanahan natin ang marikit na buwan
At uubusin ang kukurampot na yaman

Kaya wag nang malungkot, kaibigan.
Ano man kalaki ang iyong pinagdaraanan,
Lagi mong tatandaan---
Merong alak at pulutan.

No comments:

Post a Comment